📢 MAGANDANG BALITA PARA SA ATING MGA 4Ps BENEFICIARIES! 💡
- Feb 25
- 1 min read

Mas pinadali na ngayon ang pag-avail ng Lifeline Rate o ang diskwento sa inyong bill sa kuryente. Dahil sa bagong patakaran, mayroon na tayong tinatawag na AUTOMATIC REGISTRATION! 🥳
✨ ANO ANG IBIG SABIHIN NITO? Kung ang inyong impormasyon sa DSWD ay eksaktong tugma (Exact Match) sa records ng EnerZones (Subic EnerZone, Lima EnerZone, Malvar EnerZone, Mactan EnerZone, and Balamban EnerZone), hindi na ninyo kailangang pumunta sa mga service centers. Awtomatiko na kayong marehistro para sa diskwento! Maghintay lamang ng Notice of Confirmation of Lifeline Coverage.
✨ PAANO KUNG MAY KAUNTING MALI SA RECORD?
Ang EnerZones na ang magva-validate at magko-correct nito upang makuha ninyo ang diskwento.
✨ MALAKING PAGKAKAIBA SA RECORD?
Maaari pa rin kayong mag-apply sa pamamagitan ng Manual Registration. Dalhin lamang ang inyong Application Form, pinakabagong bill sa kuryente, at valid government ID sa EnerZones (Subic EnerZone, Malvar EnerZone, Lima EnerZone, Mactan EnerZone, at Balamban EnerZone).
Para sa mga Non-4Ps Marginalized End-Users, mananatiling Manual Application ang proseso.
✅ Accomplished Application Form
✅ Pinakabagong Bill sa Kuryente
✅ Valid Government ID
✅ Certification mula sa inyong lokal na SWDO



